Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae on Kho issue: ‘Ayoko na lang makigulo’


Katahimikan daw ang hangad ni Rufa Mae Quinto sa kanyang kaarawan sa Huwebes sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan kay Dr Hayden Kho Jr. tungkol sa mga video scandal ng celebrity doctor. Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ng aktres na ayaw niyang patulan ang isyu na nagdadawit sa kanya sa kinakaharap na kontrobersiya ni Dr. Hayden. “Masyado namang maliit ang mundo natin sana maayos na, matapos na. Pero ayoko na lang makigulo kasi as you said nga ‘di ba malaki na e sisingit pa ba ‘ko?" pahayag ni Rufa sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Miyerkules. Matatandaang nagkatampuhan sina Rufa at co-host niya sa “Showbiz Central" na si Mo Twister dahil sa pag-ugnay ng huli sa aktres kay Hayden. At dahil kapayapaan ang wish ni Rufa sa kanyang kaarawan, handa na kaya siyang makipagbati kay Mo? “Si Mo naman parang dedma na lang. Hindi naman kami magkaaway, magkatrabaho kami so yun ang relationship namin," paliwanag ng aktres. Nakuha na raw ni Rufa ang hangad niyang regalo mula pa noong bata siya na labis na nagpapasaya raw sa kanya ngayon. “Basta isang bagay na magmula bata ako pinangarap ko na. Ngayon ramdam na ramdam ko na puwede palang mangyari, pero secret pa," pagbitin ni Rufa tungkol sa nasabing regalo. Itinuturing ding birthday gift sa sarili ng aktres ang ipinapagawang bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City na unti-unti na raw nabubuo. - Fidel Jimenez, GMANews.TV