Filtered By: Showbiz
Showbiz

Angelika de la Cruz gives birth to healthy baby boy


Angelika de la Cruz has her own angel now. Nanganak na noong Marso 20, Friday, 10:06 a.m. ng umaga si Angelika sa UERM Hospital. Lalaki ang isinilang ni Angelika by way of Caesarian section. Gabriel "Gabby" Casareo ang ibinigay na pangalan ng mag-asawang Orion at Angelika. "Happy kami," text ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal). May bigat na 6.12 pounds ang bata at may habang 51 cm. "Cute, mestizo. Halo kami ni Orion [sa hitsura], pero mas kamukha niya. Super puti, ang cute-cute!" gushes the new mother. Thursday ng gabi, 10 p.m., dinala si Angelika sa hospital at hanggang Biyernes, March 27, pa sila roong mag-ina bago makauwi. Hindi pa sure kung kailan papabinyagan si Gabby at hindi pa rin final ang mga ninong at Originally, isang Kapamilya na lumipat sa Kapuso at nagbalik-Kapamilya muli, muling nagbalik sa GMA si Angelika noong isang taon sa pamamagitan ng dalawang high-profile series - ang primetime na Babangon Ako't Dudurugin Kita at ang Sine Novela na Una Kang Naging Akin. Kalagitnaan ng Una Kang Naging Akin nalaman ni Angelika na buntis na pala siya, tatlong buwan pagkatapos nilang ikasal sa huwes ni Orion sa Bicol. Huling napanood si Angelika sa primetime soap na Lalola. - Philippine Entertainment Portal