Isabel Oli on breakup with Paolo Contis: Still hurting, but I'm OK
Nakapag-move on na raw si Isabel Oli sa hiwalayan nila ng dating boyfriend na si Paolo Contis, pero inamin din niya na may kirot pa ring nadarama ang kanyang puso. âIâm still hurting, but Iâm trying to move-on⦠Sobrang bilis nga pero nandoon pa rin yung hurt. Pero I know I will be OK," pahayag ni Isabel sa Chika Minute portion ng â24 Oras" ng GMA News nitong Miyerkules. Nakarating na rin daw sa kanya ang mga balita tungkol sa magandang pagtitinginan nina Paolo at EB Babe dancer na si Lian Paz, ngunit bilang respeto umano sa dating nobyo ay mas mabuting hindi na lang siya magkomento. âActually labas na ko diyan. Naghiwalay kami ni Pao, labas na âko," matipid nitong sagot. Pero totoo ba na may basketball player na nanunuyo ngayon kay Isabel? âKaibigan ko yun, kaibigan ko talaga. It is not a showbiz answer, heâs a good friend of mine," paglilinaw ni Isabel. Idinagdag ng dalaga na mula nang magkahiwalay sila ni Paolo ay medyo madalas ang kanyang paglabas bagamaât hindi umano niya ito maikokonsiderang âdate." - Fidel Jimenez, GMANews.TV