GMA-7, QTV11 bag top honors at Anak TV Seal Award
Binigyan ng pagkilala ng Anak TV Seal Award ang mga programa at personalidad ng GMA Network at QTV Channel 11, ayon sa ulat ng â24 Oras" nitong Miyerkules. Pitong programa ng Kapuso Network ang binigyan ng pagkilala sa taong ito bilang âchild friendly program." Ang mga ito ay ang âArt Angel," âBatang Bibbo," âKa-Blog," âKapuso Mo, Jessica Soho," âKay Susan Tayo," âWish Ko Lang" at âLovely Day." Humakot naman ng 11 parangal ang QTV 11 para sa news and current affairs program tulad ng âBalitanghali," âAng Pinaka," âKids on Q" at âHired." Nagwagi rin ang Go Negosyo, Planetâs Funniest Animal. Panalo rin maging ang mga cartoon programs na Bannertail, Fairezz, Make Way for Noddy, Miya at Little Pony. âAsahan nyo po na patuloy kaming magiging instrumento na magbibigay ng trabaho sa ating mga kapwa at gayundin magiging responsible kami para yung mga palabas natin ay talaga namang maging modelo at inspirasyon para sa ating kabataan," ayon kay Mariz Umali, host ng programang âHired." Pasok din sa top 10 ng Most Well-Liked programs ang mga programang â24 Oras," âArt Angel," âWish Ko Lang" at âImbestigador." Tinanghal naman na Most Admired TV Personalities sina Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales, Richard Gomez at Robin Padilla. âVery gratifying dahil ang ibig sabihin nito yung mga bata hindi lang sa entertainment programs kundi mulat na ang mga kabataan ngayon. At kasama sa mga paborito nilang programa ay mga balitaan, mga news and public affairs programs, at kasama sa mga paborito nila ay mga news personalities," pahayag ni Enriquez, newscaster ng â24 Oras" at host ng Imbestigador. Idinagdag naman ni Soho na: âNakatutuwa dahil sabi ko nga sa speech ko kanina strictly speaking yung mga reporters na katulad ko katulad mo hindi naman kailangan mag-strive para to be well like o most admired lalo na kapag nagbabalita tayo tungkol sa mga bagay na hindi maganda. But at the end of the day its good na may mga bata na nangungusensya sa atin." Ang Anak TV Seal Award ay ibinibigay taun-taon ng Southeast Asian Foundation for Children and Television kung saan pawang kabataan ang mga respondent sa ginagawang survey sa mga programa sa telebisyon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV