Jean Garcia declines to talk about rumored breakup with Polo Ravales
Alam na ni Jean Garcia kung ano ang itatanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya nang makita namin siya sa pictorial ng Shake, Rattle & Roll X, kaya atubili siyang lumapit. Naroong i-alibi na kinukunan siya at idinahilan ding nire-retouch ang makeup niya. Pero hindi na nakatanggi ang aktres nang ang manager niyang si Manny Valera na ang tumawag at pinalapit siya sa entertainment press na dumalaw sa pictorial noong October 21. Naglalagare si Jean sa shooting ng SRR X at taping ng Gagambino. Ikinatuwa ng aktres ang positive feedback sa bago niyang TV series, kung saan kontrabida na naman ang role niya. "Strict na madre ako sa âClass Picture' episode. Ako si Sister Belonia Maria sa unang panahon na nakapatay ng bata na pumunta sa new generation," palalarawan ni Jean sa kanyang role. First Shake, Rattle & Roll movie ni Jean ito kaya excited siya sa first shooting day niya bukas, October 23. Ibinalita rin ni Manny na in-offer din kay Jean ang lead role sa "Nieves" episode, pero mas pinili nito ang "Class Picture" episode. Si Eugene Domingo sana ang magbibida sa "Nieves" pero pinalitan na siya ni Marian Rivera. BREAKUP WITH POLO. Dito na sumundot ang PEP sa nabalitang breakup nila ni Polo Ravales nang usisain ito sa pag-iiwasan nila ng young actor sa presscon at TV promo ng Gagambino. Inamin din daw ni Jean break na silang dalawa. Ano ang dahilan ng kanilang pag-iiwasan? "Hindi naman, hindi ako umiiwas dahil break daw kami. Wala lang, basta lang. What you see is what you get. Ever since, I don't talk, it's not my style," sabi ni Jean. Pina-guilty ng entertainment press si Jean na idinadaan sa pakikipagkaibigan para hindi siya matanong sa nangyari sa relasyon nila ni Polo. Pero, friends ba sila ni Polo after their breakup? "Friends naman kami. Magkatrabaho kami, walang diperensiya kung patuloy kaming magsasama sa mga project. Magkasama kami sa digital film na Walang Kawala, pero hindi kami magkapareha doon. Huwag na nating pag-usapan ang kahit anupaman," pakiusap ni Jean. Nakikipagsabayan daw sila ni Polo kina Karylle at Dingdong Dantes na balitang break na rin, pero gaya nilang dalawa ay hindi pa rin umaamin. "Hindi naman katapusan ng buhay ko. Hindi natatapos ang buhay dahil dun. Marami pa diyan at marami pang puwedeng mangyari," sagot ni Jean. Pabiro ring kinumusta kay Jean ang newcomer na si Krissa Mae Arrieta, ang dating GoBingo girl na nali-link kay Polo ngayon at kasama rin nila sa Gagambino. "Talaga! Kinukumusta ako? Ikumusta mo rin ako sa kanya," sabi ni Jean na sinakyan ang biro sa kanya. IN LOVE WITH HER WORK. Itinanggi ni Jean na nalungkot siya sa nangyari sa kanila ni Polo. Wala raw siyang time malungkot sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. "Totoo pala ang sinabi ninyong kasama ako sa All About Eve [pinaplanong drama series ng GMA-7]," masaya niyang sabi. "Kung hindi last week ng November, first week ng December ang start ng taping namin. Mag-aabot ang taping ko nun at ng Gagambino na up to February next year pa. "Nakiusap ang staff ng All About Eve sa staff ng Gagambino kung puwede akong pakawalan a month before the ending of the series. Pero hindi sila pumayag dahil mahaba ang role ko as Abresia. Okey lang sa akin basta kaya ko at trabaho yun, hindi puwedeng tanggihan." JENNICA & MART. Ano pala ang reaction nito sa pag-amin ng anak niyang si Jennica Garcia at si Mart Escudero na ten months na ang relasyon nila? "Ako kasi, as much as possible, pagdating sa trabaho at personal, hindi ako nakikialam. Gusto ko si Jennica ang sumagot âpag tungkol sa kanila ni Mart dahil baka may isagot ako na hindi magustuhan ng anak ko. But very supportive ako, ayoko lang masaktan ang anak ko. Si Mart, mabait na bata at wala akong mairereklamo sa kanya. Okey siya sa akin, unless..." bitin niyang sagot. Sinubukan ng PEP na ibalik sa isyu sa kanila ni Polo ang usapan, pero umiwas na si Jean. "Huwag na nating pag-usapan ang kahit ano pa tungkol doon. Hayaan n'yo na siya," pakiusap ulit niya. Pero hindi pa rin makakaiwas si Jean na tanungin tungkol kay Polo at sa pagtatapos ng kanilang more than one-year relationship dahil magkasama silang magpo-promote ng Walang Kawala na showing sa November 12. - Philippine Entertainment Portal