Filtered by: Showbiz
Showbiz

Iwa Moto describes ex-beau as 'two-timer'


Hindi maitago ni Iwa Moto ang pagka-bad trip niya sa Mr. Pogi winner ng Eat Bulaga! na si Edgar Allan Guzman. Inamin ni Iwa na nagkaroon sila ng short-lived na relasyon, pero hindi naging maganda ang ending nito nang nahuli niyang dalawa pala silang babaeng pinagsabay ng 18-year-old actor-singer na napapanood sa Daisy Siete. Although four months na ang relasyon sa bagong boyfriend na si Michael Ablan, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iwa hinggil sa balitang naging mag-on sila ni Edgar. Hindi naman ito itinanggi ng young actress at ikinuwento niya ang kinasapitan nito. "Naging kami for a month lang, pero naghiwalay agad kami," simula ni Iwa. "Bakit?" mabilis niyang saad bago pa man kami makapag-react at makapagbato ng susunod na tanong. "Kasi nahuli ko siya na may iba pa palang girlfriend. Yung babae ay seven months na niyang girlfriend ‘tapos ay nanligaw pa siya sa akin. "Ang masaklap pa nito... Hindi ako nagalit na nanligaw pa siya sa akin, e. Sabi ko sa kanya, ‘So may girlfriend ka pa palang iba, so goodbye, break na tayo!' Ganoon lang ‘yon," kaswal na saad ni Iwa. Pero ang mas matindi sa kuwento ni Iwa ukol sa pagiging two-timer diumano ni Edgar Allan ay ang situwasyon ng isa pa niyang girlfriend na mayroon daw sakit na cancer. "Pero ang kaso rito, noong nakilala ko yung babae, nang nagkabukingan... Birthday kasi ng babae ‘yon at yung babae, may cancer. Nagawa niyang lokohin kahit may cancer kaya galit na galit ako sa kanya [Edgar Allan]! "So, kami nitong babae, magkaibigan na kami ngayon," patuloy ni Iwa. "Kasi pareho kaming niloko, e, hindi ko naman alam na girlfriend na pala siya. Bale nalaman ko lang ang totoo nito ngang nagkabukingan. Galing kami sa panonood ng sine, ‘tapos may tumawag sa bahay. Ako ang sumagot, nagtatanong yung babae kung nandoon daw ba si Edgar. Sabi ko, ‘Bakit sino ito?' Ang sagot sa akin, ‘Girlfriend niya.' Kaya sabi ko, ‘Teka, teka, teka, teka, lang, huh!' "E, nag-iiyak na yung babae. Sabi ko, ‘Shit!' So, kinausap ko at pinuntahan ko sa bahay. Nang nagkaharap na kami, sabi ko hindi ko alam dahil kung alam ko ‘yon ay hindi ko gagawin ang ganoon. Kasi hindi naman ako ganoon ka-cheap at hindi ko kailangan ang ganoong lalake sa buhay ko. "Sabi pa sa akin ng babae, bumababa na nga raw yung [blood] platelet niya dahil sa kakaiyak, yung hirap na hirap na raw siya. Sabi niya sa akin ay seven months na sila, pero kami ay magwa-one month pa lang e," tuluy-tuloy na himutok pa ng StarStruck 3 First Princess. Idinagdag pa ni Iwa na hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa ginawa ni Edgar Allan, na miyembro ng all-male group na Studs. "So after that ay hindi ko na siya kinausap. Sabi ko sa kanya noon, ‘Gago ka kasi, e!' Binabara ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘You don't deserve any of us!' ‘Tapos nun ay hindi ko na siya kinakausap. "Ngayon, wala na rin sila ng girl. And yung girl nga ay naging friend ko na. Ganoon ako ka-friendly," nakangiting sabi ng kontrabida sa Magdusa Ka. Sinubukang kuhanin ng PEP ang panig ni Edgar Allan subalit hindi pa siya sumasagot sa aming text message at press time. - Philippine Entertainment Portal