Inihayag ni Kyline Alcantara na handa na siya sa mga challenging at mature roles.

“I want a challenging role naman, mas mature, mas maraming layers ‘yung roles,” sabi ni Kyline sa isang panayam.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabi ito ni Kyline matapos ang kaniyang ika-21 kaarawan.

Sinurpresa si Kyline ng kaniyang mga kaibigan at pamilya, na dinaluhan ni Senior Sparkle Talent Manager Vic Del Rosario.

Hindi nakapagdiwang si Kyline ng kaniyang kaarawan noong Setyembre 3 dahil sa trabaho.

Bumida kamakailan si Kyline sa GMA digital series na "Zero Kilometers Away" kasama si Mavy Legaspi.

Bumida rin sila sa “Luv Is: Love at First Read,” na base sa hit Wattpad webnovel ng kaparehong titulo. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News