Gender ng anak nina Marian at Dingdong, iaanunsyo bago mag-bday si Zia sa Nov. 23
Lilipad ang pamilya Dantes sa Japan para sa nalalapit na kaarawan ni baby Zia sa Nobyembre 23, dahil wala itong ibang hiling kundi ang makapunta sa Disneyland. Ngunit bago ang kaarawan ni Zia, sinabi ni Marian na iaanunsyo na nila ang gender ng kaniyang ipinagbubuntis.
"Gender reveal? Bago mag-birthday ng anak ko, so this November, sasabihin na namin. Sabi ko nga eh, ang pagmamahal namin sa mga nagmamahal sa amin, never naming ipagkakait 'yung mga personal na bagay namin at ishe-share namin sa kanila 'yan," saad ni Marian sa showbiz reporters sa kaniyang cooking demo event sa Quezon City nitong Sabado.
@gmanews pic.twitter.com/7jCerSBJt2
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) November 17, 2018
Dati na nilang sinabi ng asawang si Dingdong Dantes na iaanunsyo nila ang gender ng kanilang anak sa katapusan ng Nobyembre.
Samantala, ikinuwento ni Marian na hindi muna party ang hiling ni Zia sa kaarawan nito.
"Walang party 'yung anak ko. Kasi tinanong ko 'yung anak ko eh, sabi ko nga, in fairness dito sa anak ko, sabi ko 'Anak gusto mo ba sa birthday mo magpa-party tayo with your classmates? Tapos magpi-princess?' kasi mahilig siya sa mga princess," saad ni Marian.
"Sabi niya 'No mama, I just want to go to Disneyland.'"
Tokyo Disneyland ang napili ng pamilya Dantes na puntahan.
"First time ni Zia kasi [sa Disneyland]. Madami. Mahilig kasi siya sa mga ganu'n eh. Gusto rin niya [ang] Frozen, gusto niya si Pinocchio, ang dami. Si Shrek. Basta ang dami-dami niyang gustong makita talaga."
"So hindi ko rin alam kasi first time ko rin sa Disneyland Tokyo. So hindi ko rin alam kung sino ang makikita ko du'n," anang aktres. — MDM, GMA News