Buhay ‘underground’ sa Marawi, itatampok sa ‘The Atom Araullo Specials’
Kaabang-abang ang unang episode ng bagong GMA show ni award-winning broadcast journalist Atom Araullo na "The Atom Araullo Specials." Tatalakayin dito ang buhay sa ilalim ng mga tulay at underpass sa Marawi City.
Sa kaniyang Instagram, ipinasulyap ni Atom ang ginagawa niyang coverage sa nabanggit na siyudad, na unti-unting bumabangon matapos ang giyera.
A post shared by Atom Araullo (@atomaraullo) on
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
Nakakaantig din ang kaniyang pakikisalamuha sa mga nakatatandang babae na nawalan ng tirahan sa Marawi City, na nananatiling matatag sa kabila ng mga nangyari.
A post shared by Atom Araullo (@atomaraullo) on
A post shared by Atom Araullo (@atomaraullo) on
Sa Chika Minute report sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing nagpapasalamat si Atom na nabigyan siya ng bagong documentary show, na talaga naman nakahiligan niyang gawin.
"It's going to come out every month. It's very exciting kasi I'm given a lot of latitude to tell stories," sabi ni Atom.
Abangang ngayong summer sa GMA-7 ang "The Atom Araullo Specials." — AT, GMA News
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us