ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kyline Alcantara: Nakaka-drain maging bida


Dahil sanay nang gumanap bilang kontrabida, aminado si Kapuso star Kyline Alcantara na naninibago siya sa pagganap niya bilang bida, at sinabing nakaka-'drain' daw ito.

Sa Chika Minute report sa 24 Oras nitong Biyernes, sinabing mas pinainit pa ang mga eksena sa GMA serye na "Kambal, Karibal," dahil nagkapalitan na ng mga pag-sapi.

Ang kaluluwang si Criselda (Pauline Mendoza) na dating sumasapi sa katawan ni Cheska de Villa ay sumapi na kay Crisanta (Bianca Umali). Ang kaluluwa ni Crisanta tuloy ang humalili kay Criselda sa katawan ni Cheska.

Nagpasalamat si Kyline na nabigyan siya ng pagkakataon na mapakita naman ang kaniyang pagiging bida, ngunit hamon daw ito sa kaniya.

"Binigyan po ako ng chance na mapakita ko naman po 'yung soft side ko which is pagiging bida. Siyempre po nahirapan po ako at first kasi nakakadrain po pala siya, and sobrang sensitive po kasi ni Crisanta," kaniyang paliwanag.

"Tsaka po kasi mabibigat ang mga eksena na ginagawa namin so kailangan kumportable kami sa isa't-isa," pagsegundo ni Pauline.

Kung seryoso sila sa pagganap sa "Kambal, Karibal," ipinakita naman nina Kyline at Pauline ang kanilang kakulitan sa "ArtisTambayan."

BFF ang turing nila sa isa't-isa taliwas sa programa, at game pang sinubok ang mga challenges. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News