Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jak Roberto at Sanya Lopez, masayang may sariling libingan na ang ama at lolo


Hindi naitago ng magkapatid na Kapuso stars Jak Roberto at Sanya Lopez ang kanilang tuwa dahil sa unang pagkakataon, nagkaroon din ng sariling libingan ang kanilang ama at lolo.

Nag-post sina Jak at Sanya ng kanilang pagbisita sa sementeryo ngayong Undas, kung saan na naging emosyonal din ang kanilang lola sa bagong himlayan ng kanilang ama at lolo.

 

 

"Visited our dad and lolo. For the first time they have their own grave. Feels blessed and thankful. Emosyonal si lola haha," caption ni Jak sa kaniyang Instagram.

"We love you Lolo and Daddy," caption naman ni Sanya sa kaniyang post.

 

 

We love you Lolo and Daddy ????

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

 

Ikinuwento ni Jak sa Tunay na Buhay na maaga silang iniwan ng kanilang ama nang pumanaw dahil sa heart attack.

Sa murang edad, natutong humanap ng mga raket si Jak para tulungan ang pamilya, tulad na lamang ng pagpipinta ng mga lapida. — Jamil Santos/MDM, GMA News