Bagaman tipid pa rin sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kaniyang magiging role sa pagbabalik ng "Alyas Robin Hood," sinabi ni Solenn Heussaff na handa na siya sa mga gagawing maaksyong eksena sa serye.
Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabi ni Solenn na handa siyang maging karibal ni "Venus," ang karakter na ginagampanan ni Andrea Torres, sa pag-ibig kay "Attorney Pepe de Jesus," na ginagampanan ni Dingdong Dantes.
"I was super happy, shocked din, sabi ko, 'Ha? Totoo ba ito?' Tapos sabi nila, 'Leading lady ka with Andrea.' Sabi ko, 'Oh my, ang galing-galing pa niya 'di ba?' So I'm gonna learn a lot in this show also," ayon kay Solenn.
Malaki ang pasasalamat ni Solenn dahil nahasa siya sa mga fight scene sa Kapuso fantaserye na "Encantadia."
Kahit mga buwis-buhay na action scene, handa na rin daw si Solenn na gawin.
"'Yung mga twirls sa likod ng mga stuntmen ako rin yan, 'yung mga cartwheels ako rin 'yan. So it's gonna be a good continuation at baka mas maganda pa 'yung mga moves ko dito kasi may training ako for one year with 'Enca,'" ayon kay Solenn.
Ikinuwento rin niya ang kaniyang exercise routine para mapanatili ang magandang pangangatawan.
"Everyday nag-gi-gym ako, tumatakbo ako ng mga 10k ganu'n. Tapos may app din ako sa phone ko na pang abs, arms, legs tapos on the side I do biking tapos boxing tapos pilates na type pero mas intense," ayon sa aktres. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News