Dahil sa kuwento ng Pinoy filmmaker na si Jojo na nakabase sa Australia na muling nakita sa Pilipinas ang ina pagkaraan ng 30 taon sa tulong ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," nagkaroon ng bagong pag-asa si Amly, na naninirahan naman sa United Kingdom, na mahanap din ang kaniyang tunay na ina pagkaraan naman ng mahigit 40 taon.

Ayon kay Amly, tumatak sa kaniya ang episode ng "KMJS" nang mapanood ang pagtatagpo ng mag-inang Jojo at Herminia.

WATCH: Matuldukan na kaya ang pangungulila ng filmmaker na si Jojo na naghahanap sa kaniyang ina?

"Talagang nakaka-touch lalo na yung message ni Joel (Jojo)  na we should never lose hope, we should keep trying. Talaga it hits something in me na, why not do the same. Kung nangyari sa kaniya 'yon he's like 30 something, I'm just 40 something baka may pag-asa pa," saad ni Amly.

Kagaya ni Jojo, isa ring ampon si Amly.

Ang tumayo at nakilalang ina ni Amly, ang manikurista noong na si Josie, na nakatira ngayon sa Bulacan.

Ilang mahahalagang impormasyon ang ibinigay ni nanay Josie at dito magsisimula ang paghahanap sa tunay na ina ni Amly.

Tunghayan ang isa na namang nakaantig na kuwento  ng "Kapuso Mo, Jessica Soho:"

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News