Filtered By: Showbiz
Showbiz
TRENDING

Chacha Cañete, 'di na bulilit-liit


(Youtube screengrab and Facebook)

Mula sa pagiging "buliit-liit" sa commercial ng isang realty estate company, isa na ngayong magandang dalaginding si Chacha Cañete, o Trisha Luise sa tunay na buhay.

Marami ang naaliw sa cute na si Chacha nang lumabas ang kaniyang commercial na "Bulilit Liit, Sanay Sa Masikip" ng Camella Homes noong 2009.

Sa artikulong isinulat ni Angelique Sampayan na lumabas sa PEP.ph nitong Biyernes, sinabing 12-anyos na ngayon si Chacha ay katatapos lang ng grade school sa Diliman Preparatory School.

Noong 2015, naging bahagi siya ng mga kinatawan ng Pilipinas sa Model United Nations Camp sa Korea matapos siyang magkampeon sa spelling competition ng DepEd.

Kahit tutok sa kaniyang pag-aaral, hindi pa rin kinakalimutan ni Chacha ang kaniyang hilig sa showbiz , tulad ng pagkanta at pag-arte.

Aktibo umano ito sa stage plays sa theater organization ng kanilang paaralan.

Nanalo rin kamakailan ang kaniyang grupo sa Radio Broadcasting & Scriptwriting category ng Department of Education NCR level's 37th Division Young Writers Contest, kung saan itinanghal siya bilang Best Anchor.

Mapapanood din sa Youtube ang ilan sa kaniyang pag-awit, ( Click here for PEP full story) -- FRJ, GMA News