Regine, walang takot na sinagot ang mga daring question nina Janno at Anjo
Sa birthday celebration ni Regine Velasquez sa "Full House Tonight," isinalang nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa hot seat ang Asia's Song Bird, na direktang sinagot ang mga ibinato sa kaniyang daring questions tulad ng, "sino ang mga naging leading man niya ang pinakamasarap humalik?"
Tinanong din nina Janno at Anjo si Regine, na kung mayroon siyang isang salbabida at isang tao na lang ang maaari niyang iligtas, sino kina Bing Loyzaga, Michelle van Eimeren at Gelli De Belen, ang kaniyang pipiliin?
Sinagot din ni Regine ang mga tanong na sino ang kaniyang first celebrity crush, first kiss, first date, at sino kina Aga Muhlach at Piolo Pascual ang pang-forever at pang-fling?
Panoorin ang mga sagot ni Regine sa nakatutuwang interview:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News