Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabbi Garcia reveals why hair care brand campaign for Asia is a dream come true


Isang hindi malilimutang karanasan para sa Kapuso actress at "Encantadia" star na si Gabbi Garcia ang maging “first Filipina Ambassador for Asia” ng isang sikat na hair care brand, aniya sa isang press conference nitong Martes.

LOOK:  Gabbi Garcia, cover girl ng paborito niyang fashion magazine

Noon pa man, tagahanga na raw ng naturang brand ang aktres, kaya itinuturing niyang "dream come true" ang maging endorser nito sa buong Asya.

Kuwento ng GMA Artist Center executive na si Simoun Ferrer, "Noong bago pa lang si Gabbi, tinanong namin siya kung anong brand ang gusto niyang i-endorse. Ang sabi niya, Pantene. So noong nangyayari na lahat ito, lahat kami ay tuwang-tuwa talaga. Day one, sinabi niyang gusto niyang i-endorse ang Pantene, at ngayon nga ay nagkakatotoo na 'yon."

Inihayag din ni Gabbi na hindi pa sumailalim sa kahit anong hair treatment ang kaniyang buhok.

"Walang rebond, hot oil, perm. Trim lang. Isa lang ang hairstyle ko since bata ako. Straight lang... Nag-iiba lang ako ng hati, or curl-curl lang," saad niya.

"I like taking care of my hair, and it's like a trademark na rin. 'Ay, si Gabbi, 'yung may long black hair.' At ang daming puwedeng gawin hairstyle," patuloy ng aktres.

 

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

Nagtungo si Gabbi sa Australia noong nakaraang Pebrero para kunan ang naturang commercial ng shampoo product na ipinapalabas sa sampung bansa.

Kasama niyang bumuo nito ang production crew na kinabibilangan ng artists mula sa Canada, United States, Spain, at marami pang iba.

Kuwento ng Kapuso actress, "“Everything's new to me kaya sobra akong excited... Nagulat ako kasi ako lang ang Filipina. All of them are from Canada, U.S., Spain—kung saan-saan. Akala ko, based sila sa Australia, but apparently, everyone flew in just to do the commercial. It was a big production. Nakakalula! Sobrang surreal.”

Marami raw "first time" na karanasan si Gabbi sa kaniyang pagpunta sa Australia para sa shoot.

Kabilang sa mga lugar na pinuntahan ng aktres at production team ay isang "isolated desert" kung saan nag-overnight sila sa isang recreational vehicle.

Nabigyan din ang aktres ng pagkakataong magmaneho ng isang classic Mustang na makikita sa commercial.

"It feels unreal... Sobrang overwhelming, hindi ako makapaniwala. Ever since, Pantene user talaga ako— bata pa lang ako... It's very fulfilling for an 18-year-old. Ang sarap sa pakiramdam. This is so much for an 18-year-old," aniya.

 

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

Si Gabbi rin ang cover girl ngayong April issue ng fashion magazine na Preview.;">

Mapapanood din ang aktres gabi-gabi sa GMA Primetime series na “Encantadia” bilang si Sang'gre Alena. -- FRJ, GMA News