Dennis Trillo dubs for 'Train To Busan'
Pumatok sa mga Pilipinong manonood noong nakaraang taon ang “Train To Busan,” ang South Korean zombie apocalypse film na pinagbidahan nina Gong Yoo, Jung Yu-mi, at Ma Dong-seok.
Ngayong taon, ipinasilip ng Kapuso actor at "Mulawin vs. Ravena" star Dennis Trillo ang magiging bagong bihis ng pelikula— isang Tagalog version.
Sa Instagram post na ibinahagi ng aktor nitong Lunes, makikita ang mga translated na linya mula sa unang eksena ng naturang hit movie.
Saad sa caption ni Dennis sa kaniyang IG post, “I'm a Tagalizer!"
Kaakibat ng nasabing post ang mga hashtag na #DubSessions, #GongYoo, at #TrainToBusan.
Sa mga komento sa naturang larawan, ikinatuwa ng mga follower ni Dennis ang naturang balat at sabik silang malaman kung kailan at saan ito ipalalabas.
?????????? i'm a Tagalizer! #dubsessions #gongyoo #traintobusan ????????
A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan nitong Martes, sinabing excited at flattered si Dennis na boses niya ang napili para sa karakter ni Gong Yoo.
"Nai-inspire ako dahil talagang isa sa mga paboritong pelikula ko 'tong 'Train To Busan," ayon kay Dennis.
Isa rin daw sa dahilan kung bakit pumayag agad siya na tanggapin ang project dahil ang karakter ng isa ring ama na gaya niya bibigyan niya ng tinig.
Nakakarelate daw si Dennis sa kuwento ng mag-ama sa pelikula lalo na ending nito na punong-puno ng emosyon.
Samantala, abala rin sa tapings si Dennis sa inaabangang telefantasyang "Mulawin Vs Ravena," kung saan makakasama niya ang batikan produksyon at mga kaibigang artista tulad nina Heart Evangelista, Carla Abellana at Lovi Poe.
Mas pinaganda raw ang istorya at mas pinatindi ang effects ng action-fantaseries. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us