Carla Abellana admits talking about marriage with Tom Rodriguez
Inihayag ng Kapuso stars na si Carla Abellana na napag-uusapan nila ng Kapuso leading man na si Tom Rodriguez ang lumagay sa tahimik.
Sa nakaraang episode ng “Sarap Diva” ni Regine Velasquez, mabilis na sinagot ni Carla ang tanong tungkol sa plano nila ni Tom bilang magkarelasyon.
“Napag-uusapan minsan, pero wala pa namang definite plans. Walang date o kung anoman. Pero napag-uusapan,” ayon kay Carla habang nagluluto ng "Caldereta Arroz Valenciana."
“Hindi ka magtatagal sa relationship kung wala kayong plan (to be together) forever,” dagdag pa ng aktres.
Sa naunang pahayag, sinabi na rin ni Tom na kasama sa kaniyang future plans ang isang wedding proposal kay Carla.
Nang tanungin kung kailan kaya ito mangyayari, sagot ng aktor, “Not too long. I’m 29, I don’t want to wait. But I cannot put a timeline for everyone on it. Pero I know when it would be. Ipaubaya niyo muna sa akin. Sa akin na lang muna. But definitely, it’s cooking, it’s there.”
Nais rin umano ng aktor na bumuo ng pamilya kasama si Carla.
“I don't see myself as an old bachelor. I can't imagine how that kind of life would be. I love children, and I can't wait for the time na magkakaroon ako ng mga anak tapos gagawa kami ng experiments. Bumibili nga ako lagi ng science kits at dinadala ko sa mga pamangkin ko... A family—wouldn't that be the dream,” aniya.
Dagdag pa ng Kapuso actor, “She loves children. She loves her nieces so much, and I love my nephews and nieces so much. The joy would be to raise a family.” -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News