Rodjun Cruz shares his firsts and favorites
Inilahad ng Kapuso hunk actor na si Rodjun Cruz sa "Playlist Extra" ang mga paborito niyang local at foreign celebrities, pati na ang dalawang Pinay artists na childhood crush niya.
Ayon kay Rodjun, ang "Diamond Star" na si Maricel Soriano ang paborito nitong aktres, habang sina Cesar Montano, Ricky Belmonte, at Tirso Cruz III, naman ang kaniyang mga paboritong aktor.
Samantala, si Nanette Medved naman ang kaniyang naging first childhood celebrity crush, at si Kristine Hermosa naman ang naging crush niya nang magbinata na siya.
Pero sino kaya ang celebrity ultimate crush ng aktor? Panoorin ang buong panayam kay Rodjun.
Narito naman ang "Playlist" song ni Rodjun na "Sa Piling Mo," na naging theme song ng "Sa Puso Ni Dok"
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News