Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabbi Garcia works with Australian crew for new project


Maliban sa kaniyang pagbida sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” abala rin ang aktres na si Gabbi Garcia sa iba pang showbiz projects na handog niya sa kaniyang mga tagahanga.

Nitong nakaraang linggo, lumipad patungong Australia ang Kapuso star para sa isang kaabang-abang na project.

Aniya sa isang Instagram post nitong nagdaang Huwebes, “Can't wait to share our piece of hard work all the waaaay from Australia to you guys. Soon!!”

Papuri niya pa sa mga nakatrabaho, “Dedicated agency, passionate directors, and amazing staff and crew! So much love for this team!”

 

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

Hindi pa man ibinabahagi ni Gabbi kung ano ang bago niyang pagbibidahan, marami na ang nasabik sa kakaibang proyektong ipinasilip niya.

Kabilang sa mga unang bumati sa Kapuso actress ang kaniyang ka-love team at kapwa-“Encantadia” star na si Ruru Madrid, na nagpaabot ng simpleng “Congrats!”

Sagot naman ng aktres, “Thank you, Ru!! Can't wait!”

 

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

Mapapanood si Gabbi araw-araw bilang Sang'gre Alena sa GMA Primetime series na “Encantadia,” kasama sina Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Mikee Quintos, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Klea Pineda, Phytos Ramirez, Andre Paras, at marami pang iba. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: gabbigarcia