Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: LJ Reyes dumaan sa matinding training upang mabigyang-buhay ang isang babaeng pulis


Nitong nakaraang Sabado, gumanap ang Kapuso actress na si LJ Reyes bilang babaeng pulis sa episode ng Kapuso public service show na “Wish Ko Lang,” kung saan binigyang-buhay ang maaksyon at nakakaantig na kuwento ng Davao policewoman na si Rowena.

Upang maisabuhay ang kuwento ng babaeng pulis, sandaling sumabak si LJ sa matinding training o obstacle course na karaniwang pinagdaraanan ng mga pulis.

Aniya, labis ang paghanga niya kay Rowena at sa lahat ng mga pulis at sundalo matapos siyang mabigyan ng pagkakataon na masilip ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

“Dati, iniisip kong mag-train sa Marines, kaya na-excite akong magplay ng character na pulis! Napakahirap pala talaga! And to think na yung ginawa namin ay sandali lang dahil taping lang. Nai-imagine ko tuloy kung paano ang mga totoong pulis at sundalo!” ayon sa aktres.

Dagdag pa niya, “Saludo po ako sa inyo! Na-realize ko kung gaano kahirap at delikado ang propesyon ninyo! Salamat sa sakripisyo ninyo! Salamat Rowena, ang isa sa finest policewomen ng Davao!”

Panoorin ang pinagdaanang obstacle course ni LJ upang mabigyang-buhay ang kuwento ni Rowena sa “Wish Ko Lang”:

 

 

READ: Katapangan ng isang babaeng pulis, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'

—ALG, GMA News