Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Gloc-9 and wife welcome third child


Ipinanganak kamakailan ang ikatlong anak ng rapper na si Gloc-9 — Aristotle Pollisco sa tunay na buhay — at ng kaniyang asawang si Thea Pollisco.

Nitong Lunes, masayang ipinasilip ni Gloc-9 ang unang larawan ni Baby Savannah.

 

 

Aniya, “Hi Anak! Happy Birthday!!! Mahal na mahal ka namin! Basta lagi mong tatandaan na ako ang bahala, anak. Kakayanin ko lahat para sa inyo ng mga ate at kuya mo.”

Kasunod ng madamdaming mensahe na ito ang hashtag na “Para sa anak.”

Base sa mga post ng sikat na rapper, isinilang si Baby Savannah ilang araw lamang matapos ang kaarawan ng kaniyang inang si Thea.

Si Baby Savannah ang ikatlong anak nina Gloc-9 at Thea, kasunod ng kambal na sina Sean Daniel at Danielle Shaun. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Tags: gloc-9