Filtered by: Showbiz
Showbiz
ANG BAGONG AVRIA

Eula Valdes, ang bagong kalaban ng mga Sang'gre sa 'Encantadia'


Makakasama na sa "Encantadia" ang batikang aktres na si Eula Valdes, na gaganap bilang bagong Avria, ang sinaunang  reyna ng Etheria.

Ang karakter na Avria ay dating ginampanan ni Francice Prieto sa naunang "Encantadia."

Sa bagong Encantadia, mabubuhay si Avria dahil sa dahil sa dugo ni Bathalumang Ether, at muli siyang magdudulot ng kaguluhan sa harian.

Makikipagsanib puwersa siya kina Andora, Asval, Amarro at Lila Sari, na sumumpa na ng katapatan para kay Ether.

Dahil dito, asahan na lalo pang nagiging kapanapanabik ang mga eksena sa nangungunang telefantasya sa primetime TV.

Nagbabadya rin ang gulo sa pag-atake sa mga diwata ng hukbo ni Andora, habang ang Mashna ng Lireo na si Muros, hihilinging magamit sa pakikidigma ang brilyante ng hangin.

Sasamahan naman ni Mira si Lira para maghanap ng paraan upang makapabalik si Amihan.

Aabangan din ang komprontasyon nina Danaya at Aquil tungkol sa ugnayan ng huli tungkol kay Amarro. -- FRJ, GMA News