Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Barbie Forteza, first time nag-two-piece bikini sa telebisyon para sa 'Meant To Be'


Hindi pa man tag-init, sizzling hot na ang cast ng "Meant To Be" sa taping nila sa isang beach resort sa Batangas. Si Barbie Forteza, first time na nag-two-piece sa telebisyon.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing napuno ng harutan ang mga lead star ng primetime series.

Nag-enjoy umano ang cast at production sa taping na kinunan sa isang resort sa Laiya, Batangas.

Hunk na hunk ang "Meant To Be" leading men na si Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner at Ken Chan, na nakaboard shorts. Habang first time nag two-piece bikini on TV si Barbie.

Nang malaman umano ng young actress na kailangang niyang mag-bikini sa taping, kaagad daw siyang nag-diet at sinabayan ng exercise.

Very supportive raw ang mga magulang ni Barbie lalo na sa pagpapasexy ni Barbie ang naturang episode.

Samantala, hanga naman ang mga leading man ni Barbie sa determinasyon ng aktres para mas mapaganda pa lalo ang show. -- FRJ, GMA News

Tags: meanttobe