Filtered By: Showbiz
Showbiz
FIND OUT

Marian Rivera, papasok na rin sa pagnenegosyo


Bukod sa pagbabalik sa GMA primetime, isa pang pagkakaabalahan ngayong taon ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang papasukin niyang negosyo.

Sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing marami ang kaagad nakapansin sa sexy body ni Marian nang dumalo ito sa isang press conference, na tila paghahanda na umano niya sa gagawing proyekto.

Ayon naman sa aktres, napapangalagaan niya ang kaniyang pangangatawan sa pamamagitan ng healthy at active living nila ng asawang si Primetime King Dingdong Dantes.

"Healthy living din tapos yung asawa ko kapag may time talaga siya at hindi pa siya pagod nagjo-jogging kaming dalawa," pagbahagi ng aktres.

Tuloy na tuloy na rin daw ang kaniyang pagbabalik sa primetime matapos ang pakikipag-usap niya sa mga writer at creative ng GMA.

"Dire-diretso na siya. [Pinag-usapan] Yung konsepto na ano ang karakter ko, ano ang mangyayari, sino ang puwede kong makasama," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Marian ang pagpasok niya sa negosyo na isang kakaibang flower shop.

"Mahilig talaga ako sa bulaklak. Parang kapag ginagawa ko siya may ibang fulfilment akong nararamdaman sa sarili ko," ayon kay Marian.

 

Soon... ???? @floravidabymarian #Bucketlist ??

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

 

Dagdag pa niya, "Ako ang mag-a-arrange mismo."

Masaya rin niyang ibinahagi ang naging Valentine date nila ni Dingdong at anak na si baby Zia sa Tagaytay. -- FRJ, GMA News

Tags: marianrivera