Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ina Raymundo recreates 'Sabado Nights' commercial with Vic Sotto


Nitong Huwebes, binalikan ng aktres at hot mom na si Ina Raymundo ang sikat na “Sabado Nights” commercial na pinagbidahan niya para sa isang brand ng beer na 22 taon na ang nakararaan.

Aniya sa isang Instagram post, nabago ng naturang commercial ang kaniyang buhay

“I was their second choice for this commercial. But on Day 1 of shooting, the SMPP team felt I was better suited for the ad,” aniya.

Dugtong ni Ina, “I was out (it was a Sabado Night!) somewhere drinking San Mig Pale Pilsen when my manager called at 2am to tell me I got the part, but I have to go home ASAP coz the shoot was at 7am! And the rest is history.”

 

Dahil sa magandang alaalang nakakabit sa nasabing commercial, labis ang tuwa ni Ina nang mabigyan siya ng pagkakataong ma-recreate ito ngayong taon.

Sa bagong bersiyon ng "Sabado Night" commercial ng beer brand, kasama ng aktres ang “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Bossing Vic Sotto, at ang sikat na basketball players na sina Marc Pingris at Junmar Fajardo.

Tinagurian na ang patalastas bilang “Ultimate Throwback ng Taon.”

Marami rin ang bumati kay Ina dahil kahit 22 taon na ang lumipas, tila wala raw nagbago sa ganda ng kaniyang mukha at katawan.

Ayon nga sa isang fan, “YOU ARE DEFINITELY THE EPITOME OF BEAUTY!”

 

 

-- FRJ, GMA News

Tags: inaraymundo