Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Pia Guanio talks about 'fast and furious' love story with husband Steeve Mago


Higit sa limang taon na ang nakalilipas mula nang magsama ang “Eat Bulaga!” dabarkads na si Pia Guanio at ang kaniyang asawang si Steeve Mago. Kaya naman marami na rin ang nagsasabing #Goals ang kanilang love story.

Sa special feature ng “Eat Bulaga!” ngayong papalapit na ang Valentine's Day, inilarawan ng EB host  ang kanilang love story bilang “fast and furious.”

Ikinasal ang dalawa noong 2011 at isinilang naman ang kanilang panganay na anak at unica hija na si Scarlet Jenine sa sumunod na taon.

Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama, labis na na-appreciate ni Pia ang pagiging mabuting asawa at ama ni Steeve.

Aniya, “He's very kind and very patient with me, which I love, and which he needs to be. He's also very thoughtful, and generous, and understanding. He never gives me a hard time. He's very affectionate and very outgoing, friendly, and game, and kind-hearted.”

 

A photo posted by Steeve James Mago (@steevemago) on

 

Mensahe ng “Eat Bulaga!” Dabarkads sa kaniyang asawa: “Galingan mo pa. I love you.”

Panoorin ang pagbahagi ni Pia ng kanilang love story sa special Valentine feature ng Kapuso noontime show:

 

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News