Filtered By: Showbiz
Showbiz

Why Regine is thankful to GMA-7 for 'Full House Tonight'


Muling magpapasaya ng mga manonood ang Asia's Songbird ng si Regine Velasquez simula ngayong Pebrero sa pinakabagong Kapuso comedy musical show na “Full House Tonight.”

Ayon kay Regine, masaya siya na muling ibinigay sa kaniya ang pagkakataong bumida sa isang variety show at makapag-perform sa telebisyon.

“I'm very excited and thankful that GMA has given me this kind of show kasi medyo na-miss ko na 'yung variety show. At least, dito kumakanta ulit ako, at hindi lang 'yun—nagco-comedy rin ako,” pahayag ng Kapuso host-singer-actress.

 

 

#Repost @thervfriendsofficial ??? Ilang kembot nalang mga gals, guys and gays ???????????? #fullhousetonight

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Maliban sa iba't ibang musical performances, mapapanood rin sa “Full House Tonight” ang mga nakakatuwang stand-up comedy, improvisation, parodies, at sketches na gagawin sa loob at labas ng studio.

Nasasabik man siya sa bagong proyekto, aminado si Regine na kabado rin siya sa muling pagbida niya sa telebisyon.

Aniya, “It's actually harder to make people laugh than to make them cry, so medyo may kaba kaming lahat, pero it's mostly exciting for all of us... I'm sure the viewers will love it and have fun watching every episode.”

Kasama ni Regine na magpapasaya sa “Full House Tonight” sina Joross Gamboa, Solenn Heussaff, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at ang mga batiakng komedyante na sina Philip Lazaro, Kim Idol, Terry Gian, Sarah Pagcaliwagan, Tammy Brown, at Nar Cabico.

Mapapanood na ang “Full House Tonight” simula sa darating na Sabado, February 18, pagkatapos ng “Magpakailanman.” —JST, GMA News