Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gil Cuerva reflects on 2016: ‘It was the year my life changed the most’


Tulad ng marami, hindi rin pinalampas ng Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva ang pagkakataong magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap niya sa taong 2016 kasabay ng pagtatapos ng huling araw ng taon nitong Sabado.

Matatandaang nakilala ang Filipino-Spanish international model bilang isang aktor nitong Disyembre nang opisyal na ibahagi ng GMA Network na siya ang bibida sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na “My Love From The Star” kasama ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Sa kaniyang Instagram post nitong nakaraang linggo, inilarawan ni Gil ang 2016 bilang “the year my life changed the most.”

Napili niyang gamitin ang isang larawan mula sa kaniyang kauna-unahang 2016 photoshoot upang aniya's mapagnilayan ang mga pagbabagong kaniyang pinagdaanan.

 

A photo posted by GIL CUERVA (@gilcuerva) on

 

Aniya, “I guess it's safe to say that 2016 was the year my life changed the most (SO FAR). I experienced a lot of ups and downs, learned a lot of lessons, and grew the most as a person. I made a lot of mistakes, but also learned from those mistakes to become a better person.”

“This year was a constant process of discovering who I am and finding my place under the sun. And as the year ends, I can definitely say I know who I am (as of now) and what I want to be, and where exactly I fit under the sun,” dagdag pa ng aktor.

Ipinagpasalamat ni Gil ang lahat ng mga oportunidad na ibinigay sa kaniya sa nakalipas na taon, tulad ng international modelling stints at ang pagkakataong bumida sa isang teleserye.

Plano raw ng aktor ngayong 2017 na pagbutihan ang kaniyang trabaho at sulitin ang mga oportunidad na nakuha niya noong nakaraang taon.

Pagbabahagi niya, “I'm also grateful for all the blessings I've received this year. From getting the opportunity to model in Hong Kong, to landing the role of Matteo Do despite my inexperience in acting, and everything in between, 2016 has blessed me in more ways than one. It's now up to me to make the most of these opportunities; I want to get better at my craft.”

Kabilang ang "My Love From The Star" sa mga aabangang Kapuso teleserye ngayong bagong taon.

Kasama rin sa 2017 drama offerings ng GMA Network ang "Meant To Be" nina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto; at ang "Destined To Be Yours" nina Maine Mendoza at Alden Richards. —ALG, GMA News

Tags: gilcuerva