Direk Arlyn to fellow filmmakers: ‘You don’t need Baron Geisler in your movies’
Inilabas na ng direktor na si Arlyn Dela Cruz ang kaniyang saloobin patungkol sa isyung kinasangkutan ng mga aktor na sina Ping Medina at Baron Geisler, na pareho sanang bibida sa bagong pelikulang ginagawa niya, na pinamagatang “Bubog.”
Matatandaang nag-viral ang post ni Ping nitong Lunes ng gabi matapos niyang sabihin na inihian umano siya ni Baron nang walang paalam para sa isang eksena ng pelikula.
Nauna nang itinanggi ni Baron ang mga akusasyon ng kapwa-aktor, at iginiit rin niyang nagpaalam siya kay Ping at maging sa kanilang direktor.
Gayunpaman, ibinahagi ni Direk Arlyn na labis ang kaniyang pagkadismaya sa aktor, na pinagbigyan niya umanong maging bahagi ng pelikula matapos nitong ibahagi ang pangangailangan dahil sa pagkakasakit ng ina.
Ayon sa direktor, “You were one of the actors that I have in mind but it was a roller coaster battle in my mind on whether to push through with that decision or not. In the end, I decided to trust my original plan to cast you in this latest movie that I am dong.”
Natuwa umano ang direktor nang ibahagi ni Baron na tumigil itong uminom upang maayos na makapagtrabaho para sa pelikula.
Hindi raw inasahan ni Direk Arlyn na gagawin ng aktor ang pambabastos sa kaniyang katrabaho.
“What you did on the set, for the film BUBOG is unacceptable and cannot be justified by any claim of being in character because I repeatedly explained to you and was clearly written on the script where your character is coming from and how I wanted it to be tackled, stressing that the idea is, power is felt, not expressed. To show true might, in subdued silence and suppressed emotions,” aniya.
Dagdag pa niya, “Ping Medina does not deserve what you did. No actor deserves that. No person deserves that.”
Dahil sa insidente, tinanggal na umano ng direktor ang karakter ni Baron sa pelikula.
Mensahe niya kay Baron, “You told Ping you are ready to face the consequences of your action. Be ready to face it. Because you cannot get away with everything that you do, all the time.”
Payo naman ni Direk Arlyn sa mga kapwa-direktor, “To my fellow filmmakers, you may think you need Baron in your movies...but you don't...you really don't.”
Sa hiwalay na post, itinanggi rin ni Direk Arlyn na binigyan niya ng permiso si Baron na ihian si Ping sa eksenang kinukunan nila.
Kahit na labis ang kaniyang pagkadismaya, pinapatawad na umano ng direktor ang aktor sa kanyang nagawa.
Aniya, “Kung you kept your word na 'di ka iinom, 'di mo gagawin ang ginawa mo. You are OK when you are sober. I saw and experienced a sober Baron, respectful but a different person when drunk.”
“Mahalin mo sarili mo Baron and know that you are God's creation. Marami ang nagmamahal sa Iyo... I always move on and I always forgive, whether the apology is sincere or not. However there's a clear decision on my part—I am done with this person,” dagdag pa ng direktor.
Matapos ang nauna niyang pahayag nitong Lunes, nag-post rin ng isang mensahe si Baron sa Facebook para kay Direk Arlyn.
Aniya, “Good afternoon po direk. Sorry. Pero you and i both know na malaking misunderstanding po ang lahat. I asked you three times na direk may gagawin po ako then you just said gawin mo nalang sa eksena. Kung tinanong n'yo po ako kung ano yun 'di sana naiwasan ang mga bagay na ito.”
“You were trying to pull off a Brillante Mendoza, bulong ka sa artista na sampalin mo para magulat or maganda reaction. I was slapped many times. So I thought... ahhh... so it's ok pala to surprise my co-actors sa set. So low po of you to discredit my name. You are better than that po. Mahal kita,” dagdag pa ng aktor.
Kaakibat ng mensaheng ito ang mga hashtag na “Hugas Kamay,” “Pontius Pilate,” at “Epic Fail.”
—ALG, GMA News