Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Ang bagong pangangatawan ni Bearwin Meily


Mula sa dating malusog na pangangatawan, malaki na ang ipinagbago ng korte ng katawan ng komedyante at magician na si Bearwin Meily.

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Bearwin ang kaniyang mga pinagdaanan sa showbiz. Kasamang makikita ang mga dati niyang larawan na malusog pa ang pangangatawan.

 


Sa isa pang post, makikita naman ang larawan ng bagong Bearwin, na may caption na, "You must make a CHOICE to take a CHANCE or your life will never CHANGE. Be a Blessing. Be an Inspiration."

Napanood si Bearwin sa ilang programa sa GMA-7 tulad ng Kool Ka Lang, Mulawin, Makapiling Kang Muli, Bubble Gang  at iba pa.

Naging markado siya sa pagsigaw ng linyang "yahooong-yahooo!"

Taong 2011 nang simulan ni Bearwin na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagtakbo. -- FRJ, GMA News