Barbie Forteza describes her ideal man
Single ang happy ngayon ang award-winning Kapuso actress na si Barbie Forteza, na kababalik lang sa bansa mula sa kaniyang biyahe sa Estonia, kung saan naging kinatawan siya ng Filipino independent film na “Tuos.”
Nakatakda siyang bumida ngayon sa upcoming GMA romantic comedy Primetime series na “Meant To Be,” kung saan makakasama niya ang apat na leading men—sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.
Abala rin sa pagbabalik-eskwela ang aktres, na kamakailan lamang ay nag-enroll sa University of Perpetual Help System para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kursong BA Psychology.
Dahil kaliwa't kanan ang kaniyang commitments, tila wala nang oras para sa love life ang Kapuso actress.
“Parang no matter what age naman, hindi naman nauubusan ng pag-ibig, hindi ba?” aniya sa isang panayam nitong Lunes.
Dagdag pa niya, “Ngayon, feeling ko masyado akong nale-late sa college, so I need to catch up on that. Sa work, busy rin. Lalo na ito ('Meant To Be'), it occupies my time talaga.”
“Happy naman ako. Puwedeng wala, puwedeng meron,” pahayag pa ni Barbie.
At the storycon of #MeantToBe ? ? ? so excited to work with these good-looking and goofy men
A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on
Sakaling umibig siyang muli, malinaw sa isipan ng aktres ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki.
Nais raw ni Barbie ng isang “romantic guy” na sinusuyo hindi lamang siya kung hindi maging ang kaniyang mga magulang.
Paliwanag niya, “Kasi may mga millennial ngayon na ‘Good morning! Good night!’ na lang. Wala nang conversation in between. So, gusto ko lagi kaming nag-uusap. Kasi ang daldal ko as a person, so gusto ko meron akong kadaldalan always.”
“Gusto ko sinusuyo yung parents ko. Gusto ko ako ang hinihintay sa date, hindi yung ako ang maghihintay... 'Yung palaging mabango... And I will never get tired of flowers and heartfelt love letters,” dagdag pa niya.
Higit sa lahat, nais raw ni Barbie ng isang supportive na lalaki, na maiintindihan ang kaniyang mga responsibilidad bilang isang artista.
Aniya, “It’s just a matter of priorities… I don’t treat my inspiration as a distraction, but more of a motivation.”
“Siyempre, kung sinusuportahan niya ako, maiintindihan niya na hindi ko siya laging mapa-prioritize... Pero it doesn’t mean na hindi ko siya kailangan o mahal,” pagtatapos ni Barbie.
A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on
Kasama nina Barbie, Ken, Jak, Ivan, at Addy na magbibigay-buhay sa kuwento ng "Meant To Be" ang mga batikang artistang sina Gloria Romero, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, at Keempee de Leon.
Kasama rin sa star-studded cast ng programa sina Sef Cadayona, Mika dela Cruz, Stephanie Sol, at Zymic Jaranilla.
Mapapanood na ang "Meant To Be" sa GMA Primetime sa darating na 2017. -- FRJ, GMA News