Filtered by: Showbiz
Showbiz
LOOK

'Triplets' Tina, Sheryl, and Manilyn reunite for new Kapuso primetime show


Magsasama-sama muli sa isang proyekto ang mga batikang aktres na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner.

Nakilala ang tatlo noon sa “That's Entertainment” bilang mga miyembro ng “Triplets.”

Noon pa man, maraming tagahanga na ng grupo ang nag-aabang ng kanilang reunion project, at matutupad na nga ito ngayong kabilang ang tatlo sa mga bibida sa upcoming Kapuso Primetime series na “Meant To Be.”

Hindi naitago ng mga aktres ang kanilang kaligayahan ngayong nasa iisang proyekto muli sila.

Sa naganap na story conference ng nasabing programa, sinabi ng tatlo na kasabay nila ang fans na nag-aabang sa kanilang muling pagsasama, kaya naman nasasabik na silang magsimula ang taping para sa “Meant To Be.”

“I'm so happy to be working with my good friends again, the Triplets, and of course, sa mga alamat tulad ni Tita Glo, at sa mga magagaling artista ng GMA,” ayon kay Sheryl.

 


Bibida sa upcoming Kapuso Primetime series na "Meant To Be" sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Kasama rin nilang magbibigay-buhay sa kakaibang kuwentong ito sina Gloria Romero, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Mika dela Cruz, Stephanie Sol, at Zymic Jaranilla.

Mapapanood na ang "Meant To Be" sa GMA Primetime sa darating na 2017. —JST, GMA News