Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jazz Ocampo, bibida  sa isang Indonesian horror film


Lumipad patungong Indonesia ang Kapuso actress na si Jazz Ocampo para sa shooting ng Indonesian horror film na pinamagatang “Santet,” o black magic.

Kasama ni Jazz sa pelikula ang English actress na si Kelly Brook at ang Indonesian child actress na si Meitty Tentua Curtain.

Si Kelly ang magiging ina umano ni Jazz sa pelikula, at nakababata naman niyang kapatid si Meitty.

Sinabing gagawin ang shooting ng nasabing pelikula sa Puncak area sa Bogor, Indonesia.

 

 

Bukod sa mga behind-the-scenes photo, ibinahagi rin ni Jazz ang ilang tagpo mula sa bonding moments niya kasama ang co-actors.

 

Glam shot???????? with @marcelinolefrandt @meitzkeh

A video posted by Jazzmin Leslie O. Mc Donald (@ocampojazz) on

 

Huling napanood si Jazz Ocampo sa telebisyon bilang bahagi ng Kapuso Afternoon Prime series na “Sinungaling Mong Puso,” na pinangunahan nina Rhian Ramos, Kiko Estrada, at Rafael Rosell. -- FRJ, GMA News

Tags: jazzocampo