Filtered by: Showbiz
Showbiz
#TRUTH

Pag-amin ni Kris Aquino: 'ABS-CBN no longer wants me'


Sa isang Instagram post nitong Martes, tumugon si Kris Aquino sa mga komento ng kaniyang mga follower na nagmumungkahi sa kaniyang bumalik sa dati niyang television network na ABS-CBN.

Ang mga mungkahi ay idinaan ng mga follower ng TV host-actress sa larawan na ipinost niya kasama ang isang dating katrabaho sa dating programa.

"I missed you like crazy @darlasauler," saad sa caption ni Kris.

Sa mga komento sa naturang post, marami ang nagmumungkahi na bumalik na lamang si Kris sa kaniyang dating TV network.

Tugon ni Kris na nilagyan niya ng #truth, "heartwarming sentiments BUT ABS-CBN NO LONGER WANTS ME."

 


Nitong nagdaang Setyembre nang kumpirmahin ni Kris na umalis na siya sa bakuran ng long-time home network ABS-CBN. Kasabay nito ang pagsiwalat niya ng posibilidad na proyekto para sa TAPE Inc. at APT Entertainment ni Tony Tuviera.

Basahin: Kris Aquino confirms leaving ABS-CBN

Kasunod nito ay iniulat naman ng PEP.ph, ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN na nagpasalamat kay Kris sa maraming taon nang pagiging bahagi nito ng network at pagbibigay-saya sa mga manonood.

At matapos ang ilang buwan na pamamahinga, balik sa trabaho si Kris nitong nagdaang Biyernes para sana makapanayam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagtitipon na inorganisa ng GoNegosyo. 

Subalit hindi nakarating ang punong ehekutibo sa naturang pagtitipon dahil sumama umano ang pakiramdam matapos bumalik sa bansa mula sa biyahe sa Malaysia.

Basahin: Duterte skips one-on-one interview with Kris Aquino

Tinawag ni Kris na "epic snub" ang hindi natuloy na unang panayam sana niya kay Duterte na kaniya raw pinaghandaan. -- FRJ, GMA News
 

Tags: krisaquino