Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Bubble Gang' will honor 21 comedians on its anniversary special '21 Gang Salute'


Isang kakaibang selebrasyon ang inihahanda ng longest-running Pinoy comedy sketch gag show na “Bubble Gang” para sa kanilang ika-21 na anibersaryo ngayong taon.

Bibigyang-pugay ng programa ang ilan sa mga pinakamagagaling komedyante sa kanilang two-part anniversary special na tatawaging “21 Gang Salute.”

Kuwento ng batikang Kapuso comedian na si Michael V. sa ginanap  na press conference nitong Lunes ng gabi, “Word play ito sa gun salute na ginagawa natin kapag nagho-honor ng heroes. Heroes sa comedy ang bibigyan namin ng tribute. We are honoring 21 of the best Filipino comedians in our book, sa Bubble Gang.”

“We're not saying na ito ang all-time na pinakamagagaling, pero sa grupo ng Bubble Gang, ito ang choices namin. This is our 21 best comedians in the Philippines,” dagdag pa niya.

Kabilang sa kanilang bibigyang-pugay ay ang King of Philippine Comedy na si Dolphy, pati na sina Panchito Alba, at Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—o ang TVJ ng noontime show na “Eat Bulaga!”

Ayon kay Bitoy, “We will go way back sa anniversary special namin, sa tribute na ibibigay namin sa the best of the best talaga.”

"Sa mga bibigyan ng namin ng 21 Gang Salute, kami-kami rin ang gaganap bilang sila, para maalala sila ulit," dagdag pa ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya.

 

 

Posible rin daw na maging bahagi ng kanilang 21st anniversary celebration ang ilan sa mga dating cast ng “Bubble Gang,” na unang napanood sa telebisyon noong 1995.

“Lahat ng cast, ini-invite namin. Mayroon kaming surprise... appearance, including isa sa mga paboritong cast members,” pagbabahagi ni Bitoy.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng reunion ang '2K Batch' ng Kapuso comedy show kasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Ilan lang sa mga nagpunta sa tinawag nilang “Grand Eyeball” ay sina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Boy2 Quizon, Maureen Larrazabal, Ara Mina at Ogie Alcasid.  Nandoon din siyempre ang ilan sa mga orihinal na miyembro at patuloy na napapanood sa gag show na sina Antonio Aquitania at Michael V.

 

 

A photo posted by Boy II Quizon (@boy2quizon_) on

 

Mapapanood na ang “Bubble Gang: 21 Gang Salute” sa November 25 at December 2, pagkatapos ng “Someone To Watch Over Me.” -- FRJ, GMA News

Tags: bubblegang