Filtered by: Showbiz
Showbiz
LOOK: Marian Rivera and Baby Zia go twinning
Ikinatuwa ng netizens at mga tagahanga ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pinakabagong larawan niya kasama ang panganay na anak nila ni Primetime King Dingdong Dantes na si baby Maria Letizia.
“Little Marian” ang itinawag ng Kapuso Primetime Queen kay baby Zia, na terno ang suot sa kaniyang floral dress.
Muli rin niyang ipinagmalaki na “purely breastfed” si Zia, na mag-iisang-taong-gulang na ngayong buwan.
Nag-terno ang mag-ina nitong nakaraang linggo para sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ng ina ni Marian.
Mensahe ng Kapuso Primetime Queen at “Sunday Pinasaya” star para sa kaniyang ina, “ Happy birthday Mama! Love you!”
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: babyzia
More Videos
Most Popular