Filtered By: Showbiz
Showbiz

Why Ariel Rivera said yes to GMA return


Balik-Kapuso ang batikang singer-actor at tinaguriang "Kilabot ng Kolehiyala" na si Ariel Rivera sa kakaibang kuwento ng GMA series na "Hahamakin ang Lahat."

Makakasama ng aktor sa teleserye ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, pati na ang mga beteranong artista tulad nina Snooky Serna, Eula Valdez, at Chinggoy Alonzo.

Aniya sa naganap na press conference nitong Martes, "It feels like I didn't leave. They welcomed me with open arms."

"Ang mga kasama ko sa show, they are friends of mine. They're not just co-workers or bosses, they are friends. It feels like I never left," dagdag pa ng batikang aktor.

 

 

Paano nga ba muling napapayag na bumida sa isang Kapuso teleserye si Ariel?

"Initially, hindi ko pa alam kung sinong mga kasama ko. When they said na nandito rin sina Eula at Snooky, doon pa lang, you know it's going to be a good project. 'Yung mga kasama ko rin naman sa production, malalapit rin sa akin. Kaya go ako talaga," kuwento niya.

Maliban sa tila reunion kasama ang kaniyang malalapit na kaibigan sa industriya, nasasabik na rin daw ang aktor na maka-eksena ang mga batang artista ng GMA.

Nang mapanood ang trailer para sa "Hahamakin ang Lahat," reaksiyon niya, "From what I saw, may binatbat talaga sila."

Huling napanood si Ariel sa GMA nang bumida siya "Sine Novela: Ina, Kasusuklaman Ba Kita?" kasama sina Jean Garcia, Jennica Garcia, Iwa Moto, at Dion Ignacio.

 

 

Simula sa darating na Lunes, October 31, mapapanood na sina Ariel, Snooky Eula, Chinggoy, at ang tambalang KrisJoy sa "Hahamakin Ang Lahat."

Kasama nilang bibida rito sina Thea Tolentino, Marc Abaya, Jett Pangan, Marina Benipayo, Renz Valerio, Mona Louise Rey, Bruno Gabriel, at marami pang iba. —JST, GMA News