Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

A very purple party for Empress Schuck's daughter


 

 

Matapos ang simpleng pagdiriwang kasama ang kanilang pamilya, nagkaroon ng mas malaking birthday celebration nitong nakaraang linggo para sa 1st birthday ni Baby Athalia, ang unica hija TV host-actress na si Empress Schuck at ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Vino Guingona.

“Twinning” ang mag-ina nang magsuot sila ng matching purple outfits sa Hi-5-themed birthday party ni Athalia, na naganap sa Dance Vision Arena Events Place sa San Juan.

Ipinagdiwang ng pamilya ang unang kaarawan ni Athalia nitong nakaraang Martes, September 27.

Ayon kay Empress sa kaniyang Instagram post, “Forever grateful. September 27 is my happiest day... Happy Birthday to our favorite person ever!! We love you, Athalia! Etu el de miyo alegria!” —JST, GMA News