Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang payo ni Janice de Belen sa anak niyang si Inah


Full support si Janice de Belen sa kaniyang anak na si Inah na bibida sa upcoming afternoon series na "Oh My Mama."

Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa "Balitanghali" nitong Martes, sinabing gagampanan ni Inah ang karakter na si Mama Cel para sa TV remake ng "Oh My Mama," na pinagbidahan ni Maricel Soriano sa pelikula.

Magiging leading men ni Inah sa serye sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

Ayon kay Inah, excited at sobrang kinakabahan siya sa kaniyang pagbibidahang serye na tiyak daw na kapupulutan ng aral ng mga manonood.

Todo-suporta naman kay Inah ang kaniyang mommy na si Janice, na kilala rin na mahusay na aktres.

At ang payo niya sa kaniyang anak, "Just always do your best. Kasi siyempre binigyan ka ng chance... as a way of saying thank you, you need to do your best."

Marami ang nagsasabi na si Inah ang sumusunod sa yapak ni Janice na nakilala noong 1980s bilang teen drama princess dahil sa naging pagganap bilang "Flor de Luna."

Pero hiling ni Janice, hayaan ang kaniyang anak na magkaroon ng sariling marka sa mundo showbiz dahil nasa industriya rin ang ama nito na si John Estrada, at tita na si Geli de Belen. -- FRJ, GMA News