ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nate Alcasid is a big fan of GMA's resident meteorologist Mang Tani


Bilang anak ng mga mahuhusay na singer at composer na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, tiyak na magiging mahilig sa musika ang kanilang limang-taong-gulang na anak na si Nate.

Pero ayon kay Regine, maliban sa pagkanta ay iba pang kinahihiligan o interes ang kanilang anak.

“He's very interested in planes, he loves maps and flags, the weather. And he sings all the time. That's how I find him sa house, actually. Sinusundan ko lang ang voice niya,” kuwento ni Regine sa isang press conference nitong Miyerkules.

Dagdag pa ng Asia's Songbird, “He loves anything about airplanes. Safety videos, he can watch that for hours. He knows the colors of different airlines.”

Dahil sa mga kakaibang hilig ni Nate, natatangi rin ang kaniyang mga iniidolo at sinusubaybayan sa telebisyon.

Ayon kay Regine, idol ng kaniyang anak ang resident meteorologist ng GMA na si Nathaniel Cruz, o si Mang Tani.

“Hangang-hanga siya kay Mang Tani. Super kilala niya. He loves weather, sobrang interested siya doon. Fan na fan siya. At natutuwa siya kasi Nathaniel rin ang pangalan. Sobrang favorite niya,” pahayag ng Kapuso singer-actress.

Nang tanungin kung bakit niya idolo si Mang Tani, sagot ni Nate, “Because he knows the weather.”

 

#TBT #natesionary #natesadventures

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Maliban kay Mang Tani, hanga rin daw si Nate sa ilan sa pinakamagagandang artista sa industriya, kabilang sina Marian Rivera, Maine Mendoza, at Solenn Heussaff.

“Manang-mana sa tatay niya,” biro ni Regine. -- FRJ, GMA News