Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kabanata ng kalyeserye ng 'Eat Bulaga', 'the end' na pero...


Hindi naiwasan ng ilang sumusubaybay sa kalyeserye ng "Eat Bulaga" nitong Sabado na maging emosyonal nang ipakita ang ilang eksena nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora nang magsimula ang kalyeserye. Tapos na nga kaya ang karakter ng "The Explorer" sisters, na nakilala rin bilang "Calles Angel?"

 

 

Sa "Eat Bulaga" nitong Sabado, inihatid na nina Maine at Alden papuntang airport sina Lola Nidora at Tinidora na lilipad papuntang Amerika.

Kasama nina Maine at Alden na naghatid sa mga lola ang kanilang mga bodyguard na mga "Rogelio" at mga "Cuando."

Nagmistula pa ngang ihahatid sa huling hantungan ang paghahatid sa mga lola nang bumuntot habang naglalakad sa likod ng van ang mga Rogelio, Cuando at mga taga-barangay.

 

 

Bago umalis, muling nagbilin si Lola Nidora kay Alden na walang pababayaan at aalagaan ang kaniyang baby girl na si Maine.

Nagbitaw din ng pangako si Lola Nidora na, "we shall return."

Pero hindi gaya ng mga nagdaang pagtatapos ng bawat episode na may tumutunog na busina,  ipinakita sa closing credit ng programa ang salitang "the end" at "wakas."

Ngunit karugtong din nito ang pagtiyak na magbabalik pa ang kalyeserye na tiyak na aabangan ng mga manonood sa kung anong pagbabago ang kanilang makikita sa "Eat Bulaga."

Ang AlDub Nation at netizens, may kani-kanilang reaksyon din sa Twitter sa kakaibang pagtatapos na naganap sa kalyeserye nitong Sabado.

 

 

-- FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye