Filtered By: Showbiz
Showbiz
SNEAK PEEK

Ryan Agoncillo to wife Judy Ann Santos: 'This is your new home'


Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinahagi ni Ryan Agoncillo ang "new home" ng kaniyang maybahay na si Judy Ann Santos habang nasa Las Vegas, USA ang mag-asawa.

Sa naturang video post na may caption na: "i love you judy anne #dirtyvegas," binuhat muna ni Ryan si Juday bago pumasok sa naturang bahay.

Bago ang pagbuhat, nagbiruan pa ang mag-asawa gaya nang pagbigay ni Judy Ann sa kasama ang hawak niyang bag na "addition five pounds" daw ang bigat.

Si Ryan, nagbiro naman na lumapit sila ni Juday sa pinto ng bahay bago niya ito buhatin dahil puyat umano siya.

Nang makapasok sila sa bahay, sinabi ni Ryan kay Judy Ann na, “This is your new home, yahoo!,” na sinundan nila ng kiss.

 

 

i love you judy anne???? #dirtyvegas

A video posted by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

 

Marami sa followers ng mag-asawa ang natuwa at kinilig sa sweetness ng mag-asawa. -- FRJ, GMA News