Filtered By: Showbiz
Showbiz

Edu Manzano opens up about mother's struggle with Alzheimer's Disease


Malapit raw sa puso ng batikang aktor na si Edu Manzano ang paksang tatalakayin sa “Someone To Watch Over Me,” ang pinakabagong GMA Primetime series na pagbibidahan niya kasama sina Tom Rodriguez, Max Collins, Lovi Poe, at marami pang iba.

Aniya, personal niyang nasaksihan ang epekto ng Alzheimer's Disease, na magiging paksa ng programa, nang ma-diagnose ang kaniyang ina ilang taon na ang nakararaan.

“My mother, she's on her early 80s noong nagsimula na. Nakikita ko rin 'yung degenerative effect sa tao and I would not wish it on anyone,” pahayag niya sa naganap na press conference nitong Lunes.

Maliban sa paghihirap ng kaniyang ina, labis rin daw ang kalungkutan na dulot ng sakit na ito sa kanilang buong pamilya.

Kuwento ni Edu, “It did not take long para lamunin siya ng kaniyang Alzheimer's. Eventually, nakalimutan niya kung sino ako, ang aking mga kapatid. 'Yung pamangkin ko na nag-aalaga sa kaniya sa bahay niya sa Parañaque, 'yun ang kinikilala niya bilang anak.

“Kahit kaharap ko ang nanay ko, kumakain kami, hindi niya ako ina-acknowledge. I saw how difficult it is to have a parent or a loved one have Alzheimer's,” dagdag pa niya.

Sinubukan umano nilang muling buhayin ang mga alaala sa isip ng kanilang ina, ngunit naging mabilis raw ang epekto ng degenerative disease dito.

Maging ang mga malalapit na kaibigan at ang mga pinakamahalagang bahagi ng buhay ay unti-unting nalimutan ng kaniyang ina.

Aniya, “Si Mommy dati, nasa Metropolitan Theater. After 10 years, dinala namin 'yung in-charge sa costumes ng MET. Dinala namin sa bahay para mag-merienda. Kaharap niya ang nanay ko, magkabilang side sila ng lamesa. Nagtinginan sila. After 15 minutes, sabi ng nanay ko, 'Sino siya?' Lahat kami, halos maiyak-iyak because this was someone who played a very, very big role in her life at hindi niya makilala.”

“Kahit yung best friends niya na hindi niya nakikita, nagpunta sa bahay kasi gusto sana naming i-spur yung activity ng kaniyang brain. Fifteen minutes nandiyan ang kaniyang best friends, ni hindi sila nagsasalita,” pahayag niya pa.

 

 

Umaasa si Edu na magiging daan ang “Someone To Watch Over Me” upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang Alzheimer's Disease, at ang posibilidad na mangyari sa mas maagang panahon.

Itinuturing man itong degenerative disease na hanggang ngayon ay wala pang tiyak na lunas, maaari pa rin umanong matulungan ang mga nakararanas nito.

Aniya, “The simplistic thinking is it's just forgetfulness. Be it dementia, Alzheimer's. Pero hindi. It's a more complex ailment. Kaya, I think, this would be a very good time for us to learn something more about a disease that is affecting much of our civilization. Sad to say, maraming sulok ng Pilipinas, ang sinasabi, 'Ay, ulyanin na 'yan.' Ilalagay sa wheelchair tapos magha-hire ng caregiver.”

Dagdag pa ng batikang aktor, “Lahat ng mga bagay na ito, akala natin ay directly related sa age. But, they have to realize na hindi malayong mangyari sa nakababata. What we do is understand it. Hopefully, this show will do just that... This is a way for us to understand kung paanong mabibigyan pa rin sila ng quality of life.”

Mapapanood ang “Someone To Watch Over Me” sa GMA Primetime simula sa September 5. -- FRJ, GMA News