Filtered by: Showbiz
Showbiz

Nanay Perlita at pole dancer na si Hannah: Dalawang ina na kapakanan ng anak ang iniisip


Sina Nanay Perlita at ang anak niyang pole dancer na si Hannah Carino na may limang anak sa magkakaibang ama, ang larawan ng mga ina na walang nasa isip kung hindi ang kapakanan ng kanilang anak.

Sa kanilang pagbisita sa programang "Mars," inihayag ni Hannah ang kaniyang pagsisikap sa trabaho at tinitiis na malayo sa kaniyang mga anak para kumita at matustusan ang mga pangangailangan nila.

Apat sa limang anak ni Hannah mula sa magkakaibang ama ang nasa pangangalaga ng kaniyang ina na si Perlita.

Labis ang pasasalamat ni Hannah sa kaniyang ina dahil sa pagmamalasakit sa kaniya at pag-aalaga sa kaniyang mga anak.

Habang nasa isip ni Hannah ang kapakanan ng kaniyang mga anak, si nanay Perlita, nasa isip naman ang kaligtasan at kapakanan din ng anak niyang si Hannah.

Laging niyang payo sa anak na pole dancer na mag-ingat at malayo sa kapahamakan.

Hangad ni nanay Perlita na nagkaroon na lang sila ng kahit maliit na tindahan o negosyo upang hindi na umalis si Hannah at nang makasama rin nito ang mga anak. -- FRJ, GMA News

More Videos