Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Pagaspas' at 'Lawiswis,' nag-reunion; Pagaspas, may misyon sa 'Encantadia'


Sa muling paglipad sa "Encantadia" ni Pagaspas, marami ang tiyak na napaisip kung nasaan na kaya ang ka-partner ni Pagaspas sa dating fantaseryeng "Mulawin" na si "Lawiswis?"

Taong 2004 nang masilayan sa "Mulawin" ang mga batang kuwago na sina Pagaspas na ginampanan ni Miguel Tanfelix, at ang ka-partner niyang si Lawiswis na ginampanan naman ni Sam Bumatay.

Nitong Miyerkules ng gabi, nakita na sa "Encantadia" pagbabalik ng karakter ng binata na ngayong si Pagaspas para gawin ang misyon na ipagagawa ni Amihan.

Pero habang nagpatuloy si Miguel sa kaniyang showbiz career, pinili naman ni Sam na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral.

Kamakailan lang, nag-reunion ang mga binata at dalaga na ngayong sina Miguel at Sam, na naging magka-batch noon sa Starstruck Kids.

Focus ngayon ang 17-anyos na si Sam sa kanyang pag-aaral sa University of Santo Tomas.

-- FRJ, GMA News