Filtered by: Showbiz
Showbiz

LOOK: Maine Mendoza, nag-selfie kasama ang 'wacky kid'


Marami ang natuwa ang larawan na ipinost ni Maine Mendoza sa kaniyang Twitter account kasama ang isang bata na makikita ang kasiyahan na maka-selfie ang kalyeserye princess ng "Eat Bulaga."

Saad sa caption ni Maine sa naturang larawan, humiling ang bata na makapagpa-picture kasama siya. Pero dahil walang cellphone o camera ang bata, ang "Eat Bulaga" dabarkads na ang gumawa ng paraan para sa kanilang selfie.

Makikita sa selfie ng dalawa ang pagiging "wacky" ng bata.

Hindi nabanggit ni Maine kung sino ang bata at saan niya ito nakita.

Mayroon ng halos 20,000 na likes ang larawan at mahigit 5,000 na shares.

 

 

-- FRJ, GMA News