Filtered By: Showbiz
Showbiz

Conan 'The Mountain' Stevens, enjoy sa mga pagkaing Pinoy


Sinamahan ng ilang Kapuso broadcaster sa isang kainan ang dayuhang aktor na si Conan 'The Mountain' Stevens para maipatikim sa kaniya ang ilang pagkain Pinoy.

Kabilang sa mga sumama kay Conan sa kainan sina Arnold Clavio, showbiz reporter Audrey Carampel, at si Mang Tani, na resident meteorologist ng GMA.

Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Biyernes, sinabi ng anchor nito na si Arnold na pasado sa tinaguriang "The Mountain" sa worldwide TV series na "Game Of Thrones,"  ang mga ipinatikim nilang mga pagkain na sisig, crispy pata, grilled squid, ginataang kuhol, tapang kabayo at bibingka.

Dagdag ni Arnold, hindi nila napakain ng balut si Conan dahil walang dumaan na nagtitinda sa lugar.

Ang bibingka naman daw naging ang paborito ng aktor.

Pero hindi lang daw sa Filipino food nattuuwa si Conan kung hindi maging sa mga kasamahan niya sa "Encantadia."

Isang importanteng karakter ang kanyang ginagampanan sa fantaserye na malapit na raw mapanood. -- FRJ, GMA News