Julie Anne San Jose reveals her favorite activity, unique collection
Abala man siya sa iba't ibang proyekto, mula sa singing, acting, at hosting, sinisiguro pa rin ng Kapuso artist na si Julie Anne San Jose na nakapaglalaan siya ng oras para sa sarili.
Sa tuwing hindi siya abala sa kaniyang kabi-kabilang showbiz commitments, mas gusto ng Asia's Pop Sweetheart ang magpahinga sa bahay para magawa ang mga paborito niyang activity.
Kabilang dito ang pagsa-sound trip, pagsusulat at pagbabasa ng mga libro. Kabilang din sa hobbies niya ang pagpipinta at kumain.
Kuwento niya sa panayam ng GMA News, "My favorite thing to do is chill, eat. I don't cook but I eat. I love sitting on my couch. I like writing and reading books. Sound trip. Para chill lang."
"I like staying at home. Kapag wala akong ginagawa o free day ko, gusto ko nasa bahay lang ako kasi nakaka-miss din," dagdag pa ni Julie Anne.
Nais rin daw niyang sulitin ang panahong makapagpahinga at makasama ang kaniyang pamilya.
"Minsan iba-iba ang sched. So kapag nababakante ako, I make sure that I make the most out of it. Nakakapahinga ako. Couch potato lang, watching TV," ayon sa dalaga.
Hilig din ng Kapuso singer-actress na mangolekta ng iba't ibang bagay, lalo na ang mga gamit na kulay orange.
Nangongolekta rin siya ng merchandise mula sa mga kilalang children's cartoon show na Spongebob Squarepants at Doraemon.
"I collect orange stuff. Anything orange. I really like the color. It's my favorite color ever since. I like Spongebob and Doraemon... Gusto ko lang talaga sila," aniya.
Bukod sa Kapuso comedy variety show na 'Sunday Pinasaya,' abala rin ngayon ang Asia's Pop Sweetheart sa promotion ng kaniyang nine-track album na "Chasing The Light."
Kabilang sa mga maririnig dito ang kaniyang mga komposisyon na "Naririnig Mo Ba' at 'Not A Game.'
Nagpapasalamat siya sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kaniya sa loob ng ilang taon niya sa industriya.
Mensahe ni Julie Anne sa kaniyang fans, “Thank you for your tenacity... I’m grateful that you’ve joined this journey with me. This is the path that I chose, the path that I’ve dreamed of. There have been low points but I can assure you I won’t quit.” -- FRJ, GMA News