Singer na si Jimmy Bondoc, hahawak din ng mataas na posisyon sa PAGCOR
Bukod kay Arnell Ignacio, isa pang celebrity ang nakakuha ng mataas na posisyon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)-- ang mang-aawit na si Jimmy Bondoc.
Sa kaniyang Twitter post, kinumpirma ni Jimmy na mauupo siyang Assistant Vice President (AVP) for Entertainment sa PAGCOR matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang inanunsyo ni Arnell ang pagkakatalaga niya bilang AVP for Community Relations and Service Department sa nabanggit na ahensiya.
BASAHIN: Arnell Ignacio, itinalaga ni Duterte sa PAGCOR
Ang pag-anunsyo ni Jimmy sa kaniyang posisyon ay para kumpirmahin ang ulat na naunang lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Linggo.
Ayon sa mang-aawit, ayaw sana niyang magsalita muna sa naturang bagong trabaho pero kailangan niyang gawin dahil lumabas na rin sa mga social media.
"Soon, I will officially be the AVP for Entertainment for Pagcor, a blessing that the Good Lord has assigned to me, though the power of our beloved President. I did not want to post this until the Board announced it, but well...social media beat me to it. So I thought it best to just tell you myself," saad ni Jimmy.
Patuloy niya, " It is not entirely final until the Board convenes, but truth be told, I have already begun working. It's a 9-6pm job, and I have begun to learn the ropes."
WATCH: Jimmy Bondoc’s new single is inspired by Kalyeserye
Kasama sa naturang post ni Jimmy ang paglalahad ng kaniyang background sa kaniyang edukasyon tulad ng pag-aaral niya sa Ateneo de Manila University mula prep hanggang kolehiyo, kung saan kumuha siya ng kursong AB Communication.
Pagtiyak ni Jimmy, gagampanan niya nang mahusay at magiging tapat sa kaniyang trabaho, at patuloy na itataguyod ang industriya ng musika at entertainment.
"At the end of the day, all of this means ABSOLUTELY NOTHING if I do not do it for the Lord. Money has never blinded me, ask my friend. Women, Hmmm medyo nabulag na ako diyan hehe. But(!) tapos na tayo dyan. I hope," saad niya.
Dagdag pa ni Jimmy, "What will it profit my life if I earn from kickbacks and such, and die in 40 years? How can I look my God in the eye, and tell Him I did with my life."
#duterte #salamatama pic.twitter.com/1whCisYRSI
— Jimmy Bondoc (@jimmybondoc) July 11, 2016
-- FRJ, GMA News